11.15.2014

Ang Alamat ng Panget & Many Other ni Apol Sta. Maria

Naispatan ko lang ito kahapon sa entrance ng Aklatan - Bayanihan Center. Unang inilimbag at inilathala noong 2009, kahapon lang ako ulit nakatsamba ng ganitong klase ng babasahin. Dahil panget ang title, panget din ang drawing. Absurd pero nakakatawa. Nakakatawa pero absurd. Ano nga ba ang tamang diskripsyon nito? Wasak. Wasak dahil matagal na itong nasa baul ng iilang kolektor at mga kakilala, at sintagal na din nito ang expression na Wasak! noong buhay pa si Tado.

Gusto ko dito yung eksenang "Codename: Error," "Nay, Anay Yan" at "Malayo sa Bituka Yan." Pero sa totoo lang, naaala ko ang Nardong Tae ni Louie Cordero habang binabasa ko to... Shit, ganun na pala ako katanda.

Para sa mga batang mambabasa, isipin nyo na lang ang sinabi ni Osho na "Seriousness is a sickness." Parte ng buhay ang tumawa.

Kategorya: Komiks, Katatawanan (Humor)
Marka: Tatlong hiwa ng mantekilya

No comments:

Post a Comment

Please share your comments here!