Ito ay karugtong ng naunang isyu kung saan ipinakilala ang kasaysayan ni Elias bilang isang aswang (kasama ng kanyang mga kauri) noong panahon ng mga Kastila. Hindi ako nanghinayang sa pagpunta kanina sa AKLATAN (kauna-unahang "All-Filipino Book Fair" sa bansa) sa Bayanihan Center para sa ikalawang isyu na ito dahil sulit hanggang sa huling sentimo. Wala pang hassle sa pagpila sa libreng pirma at kumustahan sa may akda dahil wala naman talagang pila pero tingin ko'y ibang istorya ang magaganap bukas sa Komikon dahil siguradong dadagsain ang book signing nito.
Salamat sa may akda at sa mga tumulong sa kanya para ituloy ang kuwento. Sadyang mahusay ang pagkakagawa. Kung meron man hindi na ako makahintay sa posibleng pagkikita ni Elias kay Ibarra sa mga susunod na isyu.
Kategorya: Horror, Historical Dark Fantasy, Mature Reading, Komiks
Marka: 4.5 tasa ng mainit-init na Salabat
No comments:
Post a Comment
Please share your comments here!