2.20.2016

Ang Subersibo: Kabanata 1

Halaw ni Adam David at guhit ni Mervin Malonzo, ang aklat na ito ay isinalarawang kuwento ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal. Saklaw ng librong ito ang unang kabanata ng dalawang nobelang naging bahagi na ng pag aaral ng mga kabataang Pilipino ng panitikang makabayan sa sekondarya. Ikinalulugod kong makita ang pagsasakatuparan ng proyektong ito ng Anino Comics sa mga batang mambabasa ngayon at sana nga ay lalo silang ganahan na basahin ang Noli at El Fili sa labas ng klasrum imbes na magbabad sa pagse-selfie, FB, at Dota.

Akma ang pagkukuwento at pagsasalarawan sa estilo ni Jose Rizal at kahit na ang pagsasalarawan ng isang pagtitipon ay nagmukhang lamay kesa sa magmukhang piging posibleng sinadya ito para umayon sa temang madilim at seryoso.



Genre: Comic book adaptation
Rating: Tatlong patak ng tinta sa lima

No comments:

Post a Comment

Please share your comments here!