9.05.2011

Looking for Lolly

DAY 1

Narj: Jan ka lang Lolly babalikan kita 'pag may pera na 'ko...itatago muna kita dito sa mga reference books! You'll be my READ for this month's "Banned Books Week" theme! Just wait for your Daddy, hehehe

DAY 2

Narj: Miss, asan na yung book ni Nabokov dito? Yung Vintage Edition ha, hindi yung annotated.

FB Gateway:  Ah sir... May kumuha na yata this morning lang.

Narj: OH NO!!! LOLLY! (dalawang kamay nakapatong sa ulo)

FB Gateway:  Wait let's check the database... Yup! Sir meron pong possible copies sa Greenhills and Trinoma. Kung gusto nyo ipa-transfer natin dito.

Narj: Ok, pero gano katagal yan?

FB Gateway: Sir mga 2-3 days po.

Narj: Nyak! Wag na, puntahan ko na lang (kaso may lakad pa pala ako ngayon!)... Bukas! Puntahan ko bukas!

DAY 3

Narj: Miss meron daw ditong LOLITA ni Nabokov, yung Vintage Edition sabi ng branch nyo sa Gateway. Bat iisang copy lang meron dito at Espanyol pa?

FB Trinoma: Ay naku sir, madaming naghahanap kasi niyan e. Check ko muna database ha.

Narj: Haayyyy...

FB Trinoma: Sir meron po sa Greenhills at sa Bonifacio High Street--Global City.

Narj: Dapat Vintage Edition yan ha baka naman mamaya Chinese pala yan. Ilang copies ba meron sa High Street? Ayokong dumaan sa Greenhills e...

FB Trinoma: Haha yes sir English edition. Twenty nine copies pa.

....

Narj: Boss, bat walang LOLITA dito sa mga libro nyo ni Nabokov? Andami nyang libro dito pero walang Lolita ('tong Fight Club na lang kaya ni Palahniuk bilhin ko? kaso 700 pesos. hmmm...)

FB Global City: Meron kami nyan sir. Baka sa second floor, wait lang ha...

....

FB Global City: Sir eto na.

Narj: Yaaan! (sabay agaw at kiss sa libro) Mmmwaaaah! My preciousss...

FB Global City: Haha! Mukhang nahirapan kayong maghanap nyan sir a..

Narj: Nahirapan? Hindi ah! Ang DALI DALI DALI nga e... Piece of cake!




No comments:

Post a Comment

Please share your comments here!