Ang opinyon ay hindi basta-basta puwedeng ikahon lang sa pagiging tama o mali. Maari itong katanggap-tanggap, kasuklam-suklam, o balewala lang. Pero sa takbo ng panahon puwede itong magbago. Sabi ni Bertrand Russel, "Do not fear to be eccentric in opinion, for every opinion now accepted was once eccentric." Ito ang nakikita ko sa sarcasm ni Lourd. Sa huli, posibleng maintindihan din ito ng marami. Sa huli, puwede din namang magbago ang pananaw nya o pwede ding etsa-puwera lang ng mga taong nakadinig o nakabasa na parang may ibinulong lang sa hangin.
Wala lang. At least, pinag-isipan naman nya ito marahil sa isang baso ng kape o sa isang stick ng yosi. Informed opinion ika nga. Sabi naman ng isang tanyag na manunulat ng science fiction na si Harlan Ellison, "You are not entitled to your opinion. You are entitled to your informed opinion. No one is entitled to be ignorant."
Problema mo na yan kung hindi mo pa rin maintindihan dahil sa kakabasa mo ng Twilight, ineng. Ngayon, ang opinyon ko naman sa ikalawang aklat na ito ay mas maganda pa rin iyong una. Ka-blam!
P.S. Isang makabuluhang pangitain na mabasa ko ang tribute para kay Palito at Dolphy na kapwa sumakabilang-buhay na. Kung meron mang langit para sa mga totoong tao na katulad nila, nararapat lamang silang mag hapi-hapi doon. Ikinasisiya ko ring malaman na parehas lang kami ng iniisip sa prinsipyo ng isang tunay na blog: Dapat nagbibigay ng alternatibong boses at pananaw ang mga blogs---dahil hindi gaya ng mga nasa broadsheet at magazine, hindi sila dapat hawak ng mga advertisers at marketing executives sa bayag.
Sapul.
Genre: Current Events, Social Commentary
Rating:Tatlong pakete ng vetsin sa limang baso ng beer
(mabisang pampatulog daw kay ineng sa inuman)

No comments:
Post a Comment
Please share your comments here!