DISCLAIMER: This book was written in Tagalog - for the Filipino reader. Hence, I will write the review in Tagalog also...mereklamo? hehe
Noong unang panahon, mabibilang mo sa iisang kamay ang mga nagsusulat ng mga kwentong hango sa totoong buhay na madaling basahin. Nagsisimula pa lang sa pagsibol ang internet sa Pilipinas at karamihan sa mga nagsusulat ay nakaimbak pa ang mga kuwento nila sa lumang kuwaderno ay meron nang nakapag-ipon ng kanyang mga akda na kinilala at isinapuso ng kanyang mga kauri (ka-baryo) at mga kapanahunan.
Wala pa nung MYX, wala pa nung MTV, wala pa nung internet, wala pang IPod o mp3, wala pa nung cable, wala pang celfone, wala pa ring CD o DVD, meron lang Betamax - kanta ni Raymund Marasigan ng Sandwich. Sa henerasyon ng Betamax (1980's - Bagets paare!) ay ang panahon kung saan hinugot ni Mes De Guzman ang kanyang mga akda -mga maikling kuwento na paksa ay madalas sa probinsya o sa makalumang mukha ng siyudad o lungsod. Wala pa si Jessica Zafra noon. Wala din si Bob Ong. Mas lalong wala pa din ang mga nagsulputang Bob Ong Clones ngayon. Pero may Mes De Guzman na. Ayos!
Kakatwang eksena ang pinakasentro ng kanyang mga akda. Maliban dito, meron ding paksa na maaksyon, may kirot sa puso, at kapilyuhan, na lahat ay nagsasalamin sa tunay na lipunang Pinoy. Ang kuwento niya ay madaling maintindihan ng mga nabigo sa pag-ibig, mga nagsusumikap mag-aral at makapagtapos, mga tambay sa kanto, mga mahilig sa Lechon, mga pangkista, mga aktibista, mga retiradong sundalo na naghahanap ng mapagkakakitaan, mga pulitiko, mga bilanggo, mga habulin ng tsiks, mga sikat na action star sa syobis; lahat na kasama ang masang Pinoy.
Mahirap makalimutan ang mga kuwentong alam mong pamilyar ka. Na sa konting linya pa lang, nakikita mo na ang mga eksena, at hindi mo na mapigilan ang pagtawa. Malungkot nga lang isipin, may mga bagay na hanggang alaala na lang. Hindi ko makakalimutan si Bettu, Jong da Gret Pank at ang barkadahan ng kumpas-pitik. Hindi ko din malilimutan ang kagimbal-gimbal at nakakapanindig-balahibong pangyayari sa may litsunan. Maaalala ko pa rin ang kabayanihan ni Angkel Anghel. At higit sa lahat ang idol kong si Vargas na ipinaglihi sa kidlat (at hindi sa kulog) dahil wala nang makakapigil pa sa pag-guhit nya ng kanyang dakilang tadhana.
Malamang, kung may pagkakataon man ang henerasyon ngayon na mag-aksaya ng oras at basahin ang libro nya, baka hindi magustuhan ng lubos ang kanyang mga isinulat. Wala pang gumigiling na Justin Bieber at bumabayong Lady Gaga noon dahil panahon pa kasi iyon ng Betamax, kung kailan malinis pa ang mga ilog at sariwa pa ang hangin at libre ang pagsakay sa kalabaw.
My rating: Limang (5) kalabaw sa lima!
Genre: Modern Fiction

No comments:
Post a Comment
Please share your comments here!