12.30.2014

Tagay pa


Ano pa nga ba ang masasabi ko para sa pinakahuling libro na ito ni Lourd? Marami kayong madidiskubreng kaalamang praktikal, pangkasaysayan, pangrelihiyon, literatura at mitolohiya na may kinalaman sa alak. Lalung lalo na kung maiksi ang attention span ninyo at may katamaran na sumangguni kay Uncle Google, lahat na interesanteng kuwento at sanaysay tungkol sa agua de pataranta ay nandito na. Natuwa ako sa recipe ng mga pulutan. Nahilo ako sa ibat-ibang klase ng makabagong Pinoy na manginginom. Nagulat ako sa epekto ng methanol sa salaulang may hangover. Medyo bitin nga lang ako sa iisang aspeto. Yung inaakala ko na mareresolba na din kung meron bang katotohanan ang paniniwala ng iba sa bisa ng kumbinasyong hilaw na itlog ng manok at beer ay hindi pa rin nabigyan ng kasagutan. Malay natin, magkaroon ng sequel ang librong ito at bigyan ng pamagat na "Aphrodisiacs & Alcohol."

Magandang maitala din natin ang kanyang mga pinagsanggunian at ito ay ang mga sumusunod:

Edilberto Alegre - Inumang Pinoy
Kingsley Amis - Everyday Drinking
Nick Joaquin - History and Culture
Iain Gately - Drink: A Cultural History of Alcohol      

At bilang panghuling hirit sa maiksing rebyu na ito ay mag iiwan ako ng isang linya galing sa Banal na Aklat na ginawang pambungad na linya ng librong ito:

"Give wine unto those that be of heavy hearts. Let him drink, and forget his poverty, and remember his misery no more."
Proverbs 31:6-7


Kategorya: Sanaysay, Pagkain, Toma
Marka: Apat na kutsara ng Balut a la Pobre 

No comments:

Post a Comment

Please share your comments here!